SANAYAN LANG ANG PAG PATAY

 

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY

Fr. Albert Alejo, SJ

(Para sa sektor nating pumapatay ng tao)

Gabay sa Pagsusuri


1.    Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi?

Sa tula, ang may-akda ang nagsasalita, sa kahulugan na isinalaysay niya kung paano pumatay. Ang kwento kung paano pumatay ng isang butiki ay sinabi sa kanyang tula.


2.    Ano’ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao?

Sa tula, ang butiki ay ang hayop na pinatay. Ito ay maihahambing sa pagpapatawad sa mga ayaw patawarin. Ang mga tao na mahirap at hindi marunong bumasa at sumulat sa lipunan. Ang mga taong takot sa mga nasa posisyon ng awtoridad at simpleng sunud-sunuran. Ang mga taong inabuso ng may kakayahang katawan ng lipunan. Ang mga taong walang kamalayan na ang mga pulitiko ay nagsasamantala sa kanila.

        3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula?

Sa kabila ng patayan, pinapayagan lamang ng mga tao na mabuhay ang demokrasya, kultura, at tradisyon, ayon sa aking interpretasyon. Ang mga patayan ay isinagawa na nakapiring, na walang pumagitna.

4.    Kanino iniaalay ng may-akda ang tula? Sino-sino kaya sila?

Ang tulang sanayan lang ang pagpatay ni Fr. Albert Alejo, S.J ay para sa mga sektor na pumapatay ng tao. Ang tula ay nagsimula sa pahayag na sanayan lang daw ang pagpatay at kaniyang inihantulad ang mga aksyon kung paano pumatay ng butiki sa pagpatay ng tao. Inilahad niya ang ibat ibang paraan upang makapagpatahimik ng tao na isinagawa niya sa butiki.

MUNGKAHING GAWAIN


1.    Magsaliksik tungkol sa partikular na kaso ng pagpaslang sa panahon ng kasalukuyang administrasyon. Matapos ay gumawa ng maikling reaksyong papel hinggil sa kasong nasaliksik.

“GYERA KONTRA DROGA”

Nagpatuloy noong 2019 ang “giyera kontra droga” ng gobyerno, at patuloy na naiuulat sa midya ang mga bagong kaso araw-araw. Naging modus operandi ng pulis sa mga pagpatay ang pamamasok ng bahay para hulihin ang mga suspek sa paggamit o tulak ng droga, pero imbes na hulihin ay maiuulat na napatay sila ng pulisya dahil sa kanilang panlalaban. Naidokumento ng Human Rights Watch ang pagtatanim ng armas ng pulisya sa mga biktima upang pangatwiranan ang kanilang pagpatay sa mga ito.

Ang paraan man na ito ay hindi makatarungan sa mata ng iilan, ngunit kung hangad man ay ang panandaliang aksyon walang ng iba pang maiisip kundi ang ipagpatuloy ang giyera kontra droga. Lumabag man sa karapatang pantao, kapakanan, seguridad at isang matiwasay na lipunan ang hangad ng sambayanan ang magiging resulta ng kampanya laban ilegal na droga. Hindi ba’t nakakalabag na din sa batas pantao ang mga mandurugas dahil sa mga kinasasangkutan nilang krimen? Gayunpaman, upang maiwasan ang madugong labanan sa dalawang partido, ang kusang-loob na pagsuko ang hangad ng administrasyon upang magkaroon ng kapayaan ang giyera kontra droga. Hindi dapat manglaban ang mga akusado, daanin sa mataimtim na komunikasyon at masinsinang operasyon upang hindi humantong sa magulo at madugong aksyon. Sana ay mahupa at matigil na nito ang paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot sa bansa upang magkaroon tayo ng mapayapang lipunan.


4. Nakasusulat ng sariling akdang pampanitikang tumatalakay sa iba’t ibang isyu ukol sa karapatang pantao;


‘KARAPATANG PANTAO’

NI: DAISY RIE D. TORRES

                   I.         

Tayo’y hindi dapat magpaapi na lamang
kanino man lahat tayo’y may karapatan
dapat matuto kang sa kanila’y lumaban
pagkat mga tulad nila’y walang kalaban laban.

                       II.        

Lahat ng tao sa mundo’y may karapatan
na mabuhay sa mundo ng may kalayaan
di mo karapatang maapi ninuman
at di rin karapatang mapagsamantalahan

                      III.         

Ngunit karapatan niyang makipaglaban
at huwag mabuhay sa takot kaninuman
kaya nga maraming bayaning nagsulputan
para sa paglaya’y nakikipagpatayan

                 IV.         

Sa sama-sama’y may lakas tayo, kapwa ko
ipakita natin ang ating kalakasan
ating babaguhin ang bulok na lipunan
at ating dudurugin ang ating mga kalaban


5. Mapahahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng panitikan.

     Ang pagbabasa ng panitikan ay mahalaga sapagkat pinapayagan tayo nitong makita kung gaano kalakas ang ugnayan sa pagitan ng panitikan at katotohanang panlipunan, sapagkat sa panitikan maaari nating makita o mabasa kung ano ang nangyayari o kung ano ang estado ng buhay sa sosyal na realidad na ating pinagdaanan.

 

 

Comments

Popular posts from this blog

Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat

Babae ka- Ni Ani Montano