Isang Dipang Langit
Ako’y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
Ikinulong ako sa kutang
malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.
Sa munting dungawan,
tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
Sintalim ng kidlat ang
mata ng tanod,
sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
Ang maghapo’y tila isang
tanikala
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
Kung minsa’y magdaan ang
payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
Kung minsan, ang gabi’y
biglang magulantang
sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
At ito ang tanging daigdig
ko ngayon –
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.
Nguni’t yaring diwa’y
walang takot-hirap
at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.
Ang tao’t Bathala ay di
natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.
At bukas, diyan din, aking
matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!
1.
Basahin at suriin ng menshshing “ ISANG DIPANG TULA”
ni Amado V. Hernandez
Suriin kung anong uri tula? Anong teoryang
pampanitiakan ang angkop gamitin sa pagsusuri?
Batay sa aking pagsusuri ang uri ng tulang ginamit ay
pasalaysay kung saan isinasalaysay ng ang kanyang sariling karanasan. Ang teoryang
ginamit naman ay teoryang imahismo ipinapakita
ng tulang ito ang kalungkutan na nadarama ng nagsasalita dahil sa kanyang
pagkabilanggo. Ipinaramdam ng tula ang hirap na dinanas ng isang bilanggo at
ang kanyang hangaring makalaya. At akma ang teoryang imahismo sa
tualng ito dahil ginamit ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na
maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi
ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang
salita.
Ano ang taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng
persona sat ula.
Diwa nito ang mga karanasa ng mga nakakulong, nararanasan ng mga bilanggo at pinaglalaban ang mga karaptan at ang anyo ng tula ay pagdurusa na natukoy ang kanyang pinagdadanan.
Piliin ang pinaka magandang saknong na iyong
nagustuhan at bigyan ito bakit ito ang iyong napili.
Ang tao’t
Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.
Napili ko ang ika siyam na saknong na sinabi ng nag
sasalaysat na ang bathala ay di natutulog ang ibig sabihin na ang Diyos ay
hindi natutulog at alam niya ang lahat ng pangyayari at nag wika rin ito na
hindi lahat ng api ay api. At ibig sabiihin ay may katapusan ang mga
paghihirap. Hindi lamang inilalarawan ng awtor ang kanyang pagkabilanggi bagkus
ay inilahad niya din ang lahat ng ap isa kanyang panahon at marahil ang mga
magiging ai pa sa dadating na panahon.
2.
Ipakilala niyo saakin si Amado V. Hernandez sa loob ng
50 na salita.
Si Amado Vera Hernandez ay ipinanganak sa Hagonoy,
Bulacan ngunit lumaki sa Tondo, Maynila, kung saan siya nag-aral sa Manila High
School at sa American Correspondence School. Habang naging reporter, kolumnista
at patnugot ng maraming pahayagan at magasin kasama ang Watawat, Mabuhay,
Pilipino, Makabayan at Sampaguita, pinarangalan din niya ang kanyang gawaing
patula. Natanggap niya ang Republic Cultural Heritage Award, isang bilang ng
Palancas at isang gantimpala mula sa National Press Club para sa kanyang mga
nakamit sa pamamahayag.
3.
Gawing isang maikling kwento ang “Isang Dipang Langit”
nii Amado Hernandez
Ang tula ay bubukas sa kwento ng isang
lalaking nabilanggo nang hindi napatunayang nagkasala. Dahil gusto siya ng
kanyang mga biktima at dahil sa kawalan siya ng lakas, siya ay nabilanggo. Ang
tagapagsalaysay ay nasa isang kalagayan ng pagkamatay. Sinabi niya na hindi
niya kayang paglingkuran ang mga tao. Ang kanyang pakiramdam ng kalupitan ay
nakatuon hindi lamang sa kanya, kundi pati na rin sa iba na itinuturing na mga
hayop.Ang bawat oras na ginugol niya sa loob ng bilangguan ay ginugol sa isang
estado ng kalungkutan na parehong pinahaba at walang katapusan. Ang kulungan na
iyon ay katulad ng pagsubo sa isang kabaong. Inaamin niyang hindi siya
makakalabas sa impyerno na kanyang naroroon ngayon. Gayunpaman, paminsan-minsan siyang naniniwala
na walang sinumang susuko hangga't buhay siya. Ang
mga pinahihirapan ay hindi laging inaapi, nakasaad dito. Darating ang araw na
gagantihan ang mga inaapi. Sa wakas, sinabi ng tagapagsalita na hindi siya
iiyak at hihintayin niya ang tagumpay ng sambayanan.
Comments
Post a Comment