TORRES, DAISY RIEBSCRIM 2D
KABANATA II -
UNANG GAWAIN AKDANG PAMPANITIKAN HINGGIL SA KAHIRAPAN ISKWATER
Ni Luis G.
Asuncion
Mula sa Ani:
Panitikan ng Kahirapan
Mahigit isang dekada na kaming nakatira sa squatters’ area
malapit sa Batasang Pambansa sa may Commonwealth, Quezon City. Noon ang mga
bahay ay kakaunti pa lang at halos puro talahiban ang kapaligiran. Nang mga
nagdaang taon ay parang mga kabute na nagsisulputan ang mga bahay rito. Hindi
lang basta maliliit na bahay kundi mga naglalakihan na parang mansion. Ilang
beses na rin na nagbanta ang pamahalaan na idemolis ang mga bahay rito pero
hindi nagtatagumpay dahil na rin sa pakikipaglaban ng mga nakatira rito.
Pakikipaglaban na hindi dumanak ng dugo. Laban sa pamamagitan ng matiwasay na
pakikipag-usap sa may katungkulan. Pero sabi ko sa sarili ko ay mahihirapan na
ang gobyerno na mapaalis na ang mga tao kahit na ang iba ay gusto nang umalis
tulad ko. Ang dahilan kung bakit hindi kami makaalis ay dahil wala rin kaming
maayos na malilipatan. Nangako ang gobyerno na kapag nademolis kami ay may
nakahanda kaming malilipatang lupa sa parte ng Payatas. Pero ang iba naman ay
patuloy paring naghihintay. Ang alam ko lang, ang iskwater ay ang lugar kung
saan ang mga mahihirap lamang ang naninirahan. Pero bakit ganun,
nakikipagsiksikan ang mga mayayaman pa sa kaibigan ko na nakatira sa Don
Enrique Subdivision, Quezon City. Ang ilang sa mga kapitbahay naming ay napakalakas
magsipagtugtog ng kanilang mga component na animo’y nagpapasikat sa mga tulad
naming mahihirap. Minsan, nasilip ko ang loob ng isa sa mga kapitbahay naming
dahil nakabukas ang kanilang geyt at pinto. Nakita ko ang isang putting kotse
na hindi ko alam kung ano’ng tatak pero ang alam ko lang napakamahal ng ganoong
klase ng sasakyan. At ang gamit nila sa loob ay napakarami. Ang telebisyon nila
ay higit pa sa apat na beses ang laki ng Tv naming 14 inches. Ang karaoke ay
dalawang beses ang laki sa karaokeng naming Hanabishi. At higit na malakas ang
dahil nakahiwalay pati ang dalawang naglalakihan nitong speaker. At kapag Pasko
naman o Bagong Taon ay makikita mo lalo ang kanilang pagiging galante. Sila pa
rin ang pinakamalakas magpatugtog ng mga pamaskong awitin. At ang kanilang mga
handa ay isang buong litsong baboy o baka at iba pang pagkain ng mga mayayaman.
Tuwing ang isa namang miyembro ng kanilang pamilya ang may kaarawan, makikita
mo na ang kanilang mga handa ay para sa isang pista ng nayon at ang mga bisita
ay halos lahat de-kotse. Minsan nakita ko ang kapitbahay naming mayamang
kolehiyala na tipo ang itsura, kapag hindi mo kilala, ay di mo aakalain na
nakatira sya sa isang squatters’ area. Matangkad, maganda, maputi, seksi,
kaakit-akit lalo na ang pananamit. Sa aking obserbasyon, iba-iba ang kanyang
boypren tuwing makikita ko siya sa labas. Hindi sya nagpapaligaw sa bahay nila
dahil ang sabi’y nahihiya siya sa lugar na kinatitirikan ng malaki nilang
bahay. Bakit ditto pa sila nagpatayo ng bahay? Noong wala pang gaanong mga
bahay ditto ay Malaya kaming nakapaghahabulan sa mga talahiban ay nangangamba
na madamay rito. Kung may pera lang sana kami para makaalis na sa lugar na ito
ay matagal na naming ginawa. Sabi ko sa sarili na ipinanganak akong mahirap ay
mamamatay din yata akong mahirap. Bakit ganun, ang mga mahihirap ay ‘di kalian
man makakatira sa lugar ng mga mayayaman. Pero ang mga mayayaman ay maaaring
manirahan sa lugar ng mga mahihirap ano mang oras nilang gastusin.
PAGTATAYA
1. Ano ang sentral ng paksa ng sanaysay?
-Ang sentral na paksa
ng sanaysay ay tungkol sa kahirapan ng mga tao sa slkwater.
2. Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa
teksto? Magbigay ng halimbaw.
-Oo mayroon at iyon
ang dahilan kung bakit ang mayaman o skwater ay nakatira sa isang lugar kung
saan ang mga mahihirap lamang ang naninirahan, na naging isang malaking katanungan
na hindi direktang sinagot ng may-akda.
3. Ano ang
layuninng may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag.
-Inilalarawan niya ang mga kondisyon ng pamumuhay sa
skwater, kung paano hindi sila magulo sa oras na iyon, at kung paano sila
naging magulo at maingay bilang resulta ng malalaking bahay na sumisikat. Nais
ding ipaliwanag ng may-akda kung bakit lumipat ang mga mayayaman at nauwi sa
4. Ano mga skwater
anong mga ideya ang sinasang-ayunan mk sa sanaysay? Bakit? Ano namang mga hindi
mo sinasang ayunan? Bakit?
-Ayon sa sanaysay,
nagbanta ang gobyerno na wasakin ang mga bahay doon ng maraming beses, at gusto
ko ang ideya na ipaglaban ito nang walang pagdanak ng dugo, ngunit sa
mapayapang pakikipag-usap sa kinauukulan sapagkat kakaunti ang buhay ang
mawawala, taliwas sa magulong demolisyon , kung saan maraming tao ang
masasaktan at papatayin kung magkabunggo ang dalawang bahagi.
5. Paano ka
nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto?
-Ito ay nauugnay sa
kung paano mo ginagawa ang lahat upang mabuhay lamang. Maaari akong
makipag-ugnay sa mga tao sa skwater na nais na umalis ngunit hindi magawa ito
sapagkat ang pangako ng gobyerno na bigyan sila ng isang bagong tahanan ay
hindi natupad, at dapat silang magpatuloy na magtiis upang magkaroon ng
tirahan.
6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa
paglilinaw sa konseptong iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan
ngiskwater? Ipaliwanag
-Dahil maraming tao
ang hindi nakakaunawa kung ano ang nasa squatter, naniniwala ang iba na ito ay
puno ng mga kriminal, marumi, madilim, at iba pa. Gayunpaman, bilang isang
resulta ng talakayan sa sanaysay na ito, ang aming mga isip ay nabuksan sa kung
ano ang tunay na nasa skwater. Mayroon pa rin akong parehong opinyon at may
kamalayan dito dahil, bukod sa matinding paghihirap ng buhay dito,
naiintindihan ko kung bakit sila nakikipaglaban para sa kanilang tahanan habang
nakatayo sa lupa na hindi nila pag-aari.
7. paano maiugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa
kasalukuyan? ipaliwanag?
-Di na bago saatin
ang salitang skwater sapagkat maraming mga tao sa ating bansa ang naninirahan
pa rin bilang mga skwater dahil wala silang tirahan. Sa bansang ito, nakikita
pa rin natin ang maraming mga mahihirap na tao, maraming mga taong walang
tirahan, at mga taong nagsusumikap upang matugunan ang mga pangangailangan ng
kanilang mga pamilya. Ngunit, tulad ng nakasaad sa sanaysay, sa kabila ng
paghihirap, naroon pa rin ang pagmamahal ng buong pamilya. Sa kabila ng mga
hamon sa buhay, nagtutulungan sila at nasisiyahan sa pamumuhay ng isang
simpleng buhay.
MUNGKAHING
GAWAIN
GAAN NG KONSEPTONMAP
ANG SALITANG ISKWATER SA LOOB NG KAHON.
Comments
Post a Comment