Posts

Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat

  Gabay sa Pagsusuri Narito ang gabay sa pagsusuri at huwag kalimutan na ilagay pa rin sa inyong ginawang blog ang mga sumusunod na sagot sa pagsusuri: 1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat? -Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo .Dahil tila pinasan nila ang krus sa sobrang bigat ng kalbaryo na kanilang binibigyang buhay, marami ang nangungutya na kailangan nilang magtiis ng matatalim na insulto o tsismis at matunog na intension gaya ng sawi, mahina, at iba't ibang uri ng diskriminasyon 2. Sino ang sinasabi sa tulang iba’t ibang mukha? Ano ang ginagawa nila? Iba't ibang mukha na tinutukoy ay mga taong hindi tanggap ang totoong ikaw, plastik, at walang ginawa kundi husgahan ang pagkatao o kabaklaan ng isang tao. Sa tulang ito, makikita natin na ang taong mapanghusga ay walang pinipili sa edad, kasarian, uri ng dugo, kamag-anak, o estado ng buhay dahil kahit anong pilit mong gawin ang mabuti, huhusgahan k...

Babae ka- Ni Ani Montano

Image
 Pagtataya  1. Paano inilalarawang ang babe sa awit? -Tinutulungan siyang magandang asal at hindi ganda lang ang alam. Ang mensahe ng kantang ito ay respetuhin ang mga kababaihan, itong kantang ito ay nag sasaad na ang mga kababaihan ay walang laya, sa tingin ng iba ay ang kababaihan ay nararapat lang sa tahanan at ang ambag laang ay ganda, itong kanta ay may malalim na ibig sabihin kaya’t ito’y dapat intindihin. 2. Sang ayon ka ba sa sinabi sa awit na ang babe ay ganda lang ang pakinagang at sa buhay wqalang alam? ipaliwanag. -Hindi ako ang-ayon, Habang pinakikinggan ko ang kanta, naisip ko na kahit maging sino ka man sa mga babaeng binanggit sa kanta, babae ka pa rin. At bilang isang babae, ano man ang pagtingin nila sayo, ang mahalaga ay handa kang gawin ang iyong tungkulin at alam mong gamitin sa tama ang iyong karapatan. 3. Magbigay ng mga halimbawang nagpaptunay na kaya ng babaeng ipaglaban ang kanyang karapatan at kalayaan. -Unang-una, ang tapang, ang tapang mo kung saa...

SANAYAN LANG ANG PAG PATAY

  SANAYAN LANG ANG PAGPATAY Fr. Albert Alejo , SJ (Para sa sektor nating pumapatay ng tao) Gabay sa Pagsusuri 1.     Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi? Sa tula, ang may-akda ang nagsasalita, sa kahulugan na isinalaysay niya kung paano pumatay. Ang kwento kung paano pumatay ng isang butiki ay sinabi sa kanyang tula. 2.     Ano’ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao? Sa tula, ang butiki ay ang hayop na pinatay. Ito ay maihahambing sa pagpapatawad sa mga ayaw patawarin. Ang mga tao na mahirap at hindi marunong bumasa at sumulat sa lipunan. Ang mga taong takot sa mga nasa posisyon ng awtoridad at simpleng sunud-sunuran. Ang mga taong inabuso ng may kakayahang katawan ng lipunan. Ang mga taong walang kamalayan na ang mga pulitiko ay nagsasamantala sa kanila.           3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula? Sa kabila ng pat...

TORRES, DAISY RIEBSCRIM 2D

Image
  KABANATA II - UNANG GAWAIN AKDANG PAMPANITIKAN HINGGIL SA KAHIRAPAN ISKWATER Ni Luis G. Asuncion Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan Mahigit isang dekada na kaming nakatira sa squatters’ area malapit sa Batasang Pambansa sa may Commonwealth, Quezon City. Noon ang mga bahay ay kakaunti pa lang at halos puro talahiban ang kapaligiran. Nang mga nagdaang taon ay parang mga kabute na nagsisulputan ang mga bahay rito. Hindi lang basta maliliit na bahay kundi mga naglalakihan na parang mansion. Ilang beses na rin na nagbanta ang pamahalaan na idemolis ang mga bahay rito pero hindi nagtatagumpay dahil na rin sa pakikipaglaban ng mga nakatira rito. Pakikipaglaban na hindi dumanak ng dugo. Laban sa pamamagitan ng matiwasay na pakikipag-usap sa may katungkulan. Pero sabi ko sa sarili ko ay mahihirapan na ang gobyerno na mapaalis na ang mga tao kahit na ang iba ay gusto nang umalis tulad ko. Ang dahilan kung bakit hindi kami makaalis ay dahil wala rin kaming maayos na malilipatan. Nang...
Image
Isang Dipang Langit Ako’y ipiniit ng  l insil  na puno hangad palibhasang diwa ko’y piitin, katawang marupok, aniya’y pagsuko, damdami’y supil na’t mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay. Sa munting dungawan, tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha, maramot na birang ng pusong may sugat, watawat ng aking pagkapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa pintong may susi’t walang makalapit; sigaw ng bilanggo sa katabing moog, anaki’y atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapo’y tila isang tanikala na kala-kaladkad ng paang madugo ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo. Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalanding; sa maputlang araw saglit ibibilad, sanlibong aninong iniluwa ng dilim. Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang sa hudyat – may t...